About me

My photo
Lost. Confused. Frustrated.
Feeds RSS
Feeds RSS

Saturday, March 25, 2006

Nakakapagod

Ayako nga talagang bumyabyahe. Biruin mo nagkakamood swings aku kapag tagal ng nasa labas lumalabas tuloy pagiging demonita ko. hehe. hmmm.... anu pa ba nangyari sakin kanina? Ah! Naalala ko na may nakausap kami ni mama na babae. Nanay na cya tapos buntis. May isa na siyang anak tapos sobrang kulit. Grabe! Mukha siyang chinese tapos yung mama nya hindi. Wala lang actually wala ako masabi ngaun.....

Well, nakarecover na ako sa depression ko kahapon. Mukha talaga akong tanga at napaka weird pa.... hehe. Wala talaga ako masabi bakit ganun? Hindi ko na maintindihan sarili ko. Sige na nga till here na lang. Wala talaga akong sense magpost. Nagpost pa ko wala rin naman ako isusulat. hehe. byers!!!

Confused

I keep asking myself why I'm very good at giving advices but I can't even control my own problems and depressions. I am really confused especially when it comes to feelings. Sometimes I don't even know if I'm really mad at someone or just like feeling mad at him. Weird??? I don't even know who to love and if I really care for a person. Sometimes I feel that they also care for me but suddenly they make me feel than I'm just nothing. I really hate myself for being so stupid. I can't even decide for myself. When it really comes to feelings I get so weak. Maybe that's one of my weak spots.

Hirap naman kasi hindi umasa. Parang feeling ko tuloy pinaglalaruan lang ako ng buhay. Alam ko mababaw lang to kaysa sa iba. But I guess mababaw talaga me. Well I'll just have to accept that fact.

Tuesday, March 21, 2006

I Hate Life

I hate my life! Nothing's going my way.... I already did everything... but still, It isn't my way. Ginawa ko lang yung ikakabuti ng lahat tapos eto ang ibabalik nila sakin? Ang sama talaga ng buhay. Bakit ganun??? Hindi ako natulog para sa kanila tapos papatulugin ka na parang wala lang lahat ng pinaghirapan mo! Ang masaklap p dun hindi nila ako ginising. Alam naman ng lahat na hindi ako basta basta nagigising lalo na pag kakatulog ko pa lang. Pero hindi man lang nila tinry. Anung klase ba silang mga tao??? Napakasama nila. Alam nila kung gaano kaimportante sakin na magising dahil may kailangan akong puntahan. Napakasama nila. Tapos ako pa lalabas na masama kasi iniisip nila na para sakin din ang di ko pagpunta dahil mas kakailanganin ng katawan ko na magpahinga. Pero alam ba nila sainasabi nila? Bakit ba ako hindi natulog. Diba para sa kanila. Tsaka bakit ayaw ko matulog pagkatapos nila ako patulugin? Kasi diba alam ko na hindi ako ganun kabilis na nagigising? Na super himbing na ng pagtulog ko. Pero ano sinabi nila? Na gigisingin daw nila ako at huwag ako magalala. E ano na? ano petsa na ko nagising? 11:00am! anu kaya yun? 9:00-11:00 ang pasok namin. Nagising ako pagkatapos na pagkatapos. Late din ako natulog dahil tinype ko ung mga info para mabalik ko na bukas. Pero ano? nabalik ko ba kinabukasan? Hindi rin, in short walang kwenta lahat ng pinaghirapan ko at pinagpuyatan ko. Wala ring nangyari sa huli. Edi kung natulog ako ng maaga at kinalimutan ko na lang lahat ng intensyon ko. Edi nakapasok ako tapos wala pa ko absent. Tapos sasabihin ko na lang na sa susunod na araw ko na lang ibabalik yung listahan. Malamang may nangyari pa sakin ngayong araw. Today is a lifeless day! and I hate it!

Grabe!!!

Grabe ang malas ko talaga na elect ako kahapon na treasurer ng choral. Sa dami ba naman ng office dun pa! Alam naman ng lahat na burara ako sa pera. Bakit ganun? Nalulungkut tuloy ako na hindi na ko section head paginiisip kong treasurer ako. Ayaw ko talaga mging officer next year kasi bago ung teacher. Paano kung hindi ko mameet yung expectations nya? Edi sablay nanaman. Yun ang dahilan kung bakit ayaw ko manominate for section head tapos manonominate rin lang pala ako sa teasurer na office.. Life's bad... nasasayangan tuloy ako sa lahat ng pinaghirapan ko as section head. Well it's ok, wala na ko magagawa sure naman ako na yung mga bagoay masok sakin kasi sila organized unlike me. Nakakaasar lang paginiisip. But I wish them luck kasi hirap yun e.

Grabe nanaman nalate ako kanina sa choral kasi nagayos me bahay at naghanap ng sapatos. Inindian kami ng teacher namin. Ang daya wala man lang sabi sabi kung kailan cya susulpot. bad...., joke lang. oo aminado ako na nainis ako dahil sayang ang pamasahe pero aminado din ako na ok lang kasi tinatamad talaga ako magpractice. Ayoko masyado yung kanta namin ngayon kasi pambata. Hindi naman sa nagrereclamo kaso nga lang laging ganon nakakasawa na..... hmmm.. nakakainis ang blogger magkaerror banaman kaya un napilitan me na type lahat ng sinabi ko kanina. Sige hanggang dito na lang inaantok na ko eh.

Sunday, March 19, 2006

Ang tanga ko talaga

Ang tanga ko talaga nagpapakatanga ako sa isang bagay na hindi naman dapat pinaguubusan ng panahon.

Biruin mo madepress sa bday party ng tita mo dahil sa mga love songs! Adik talaga..... Siguro nga tama lang na ginawa ko ung adik clan.... hmmm....... sira na talaga ulo ko. Baliw ka talaga denice sharina lao nasisiraan ka na!

Dapat nagiisip ako ng masaya kaysa magalala sa isang walang kwentang taong tulad ng iba dyan...

Ok lang yan tomorrow's another day! May choral dun ko na lang uubusin ang oras ko at bibisita rin sina anna mae samin kasama ng mama nya.....

Oo nga noh!!!! mag-aayos pa ko ng bahay! Tapos gigisingain ko pa si dichi.. Patya nanaman me dahil sa panibago kong katangahan. Ulianin talaga ako. :( ok lang yan... Aja! "As I grow older I'm gonna get smarter" anu kaya yun... mukha talagang tanga! oh well... tanggapin ko na lang ang katotohanan. cge gigisingin ko pa c dichi tapos magaayos pa me bahay for tomorrows special guests.

-Good luck na lang sakin sana di ako pagalitan.-

My First Post

Ha Ha! Wala lang! Kailangan kasi magpost eh... hehe. To start off ako si Denice... ummm.... Pinganak ako noong October 11 1992 sa Chinese General Hospital. Anu pa ba? Ah! babae po ako (kahit pinagkakamalang lalaki). That is a fact! wala nang babago dun. hehe. Ang crush ko as of now is kenshin himura of samurai X. walang aangal. Anu ba paki nyo... eh gusto ko cya.. Meron akong 3 ate.. Isang nanay at isang tatay. nakakahiya pabasa... pero ok lang. hehe. As of now I'm still studying the walks of life. Ano ba ko... Ayun sa iba simple, mabait, madalas mukhang bangag, medyo mukhang tibo, weird at palakaibigan. Ayun sakin epal. Pero d makita ng iba(kapal!) Anu kilala nyo na ako? Hanggang d2 na lang... tamad na ko e.